Wednesday, July 21, 2010

STYLE ALA EH..BAKIN GA GANIRE?



Our province is certainly a one place which is rich with unique style, traits, culture, etc..Specifically, in our own dialect. We maybe a Tagalog speaking folks, but I must be proud to say that there are some words that only a real Batangueño can understand. And we must not discount the fact, that our accent and intonation has been very popular in many movies and has been imitated to trigger more fun in comedy films.

I can’t help but post and share the content of this email I’ve received through a friend originated from an unknown source. For a more exciting reading, I suggest that anybody who read this to recite this aloud with the proper accent of a true Batangueño, check it out:



MGA BALITANG BATANGAS

Airplane Crashes in Batangas
Tinanatanong ng reporter ang testigo sa pag crash ng eroplano sa Malapad na Parang, Lobo, Batangas
Media: Manong, paki describe nga ho ng airplane crash.

Mamay: Tinatangla ko laang ang buwig na sabang malapit ko nang tibain ay nasiglawan ko ang usok na pasirok ang dating.

Media: Ano ho ba ang una ninyong nakita?

Mamay: Aba’y una nga’y pasirok, maya-maya’y nagbatirok sumunod ay pairok-irok. Iyunnnn, ay di saka sumalpok tapos ang katapusa’y sumabog!

Media: Ano ho?!?!?

Barilan naman sa Tanauan, Batangas
Media: Ano ho ba ang nangyari?
Mamay: Kami laang naman ho’y nakaungkot dine sa balisbisan ng bahay. Ay maya-maya ho ay bigla na laang na nagdagaaban, tapos nagpalahawan ay di kami naman ho’y nagkaripasan!

Media: Ano daw?!?!?

—-=——- ——— ——— -
An airplane crashed at a town in Batangas (again).
MEDIA: Manong, pakilarawan po ang nangyari.

LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy… Kakaalmusal ko laang, gayak ako’y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo’y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang are sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!

MEDIA: Ho?

(ire pa ang isa…)

Vehicular Accident in Batangas
MEDIA: ‘Lo, kayo daw po’ng saksi?

LOLO: Ay uwoh! Ika’y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!

MEDIA: ‘Sensya na po sa abala.

LOLO: Ako’y naka-ungkot laang dine at karakaraka’y ako’y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakin ga aring dyip ay saksakan ng tulin??? Ay di ako’y palakat na sa mag-inang di naiingli! Aba’y maiipit na’y naka-umis pa! Kainaman. Hayown!
Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko’y kawangki ng nilamukos na kiche.
Pagkakabugnot ng drayber!
Ngalngal e!

MEDIA: Ano daw?

___________________________________________________________________________________________________________


Important Note: THIS IS NOT INTENDED TO OFFEND MY "KABABAYANS"...In fact, I'm really really proud to be a Batangueña!

1 comment: